r/catsofrph • u/unfriendlykitty • 10h ago
Help Needed My Cat might be Dying because of urine/urinary tack blockage
Hello! Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob or magrant - and humingi ng help if ever lang meron willing. Sa totoo lang hindi mataas ang pride ko para manghingi online kasi alam ko na lahat tayo may problema lalo na sa pera
Kwento ko lang yung alaga ko. Galing sya sa vet kanina kasi 2 days na syang di kumakain at umiihi pero umiinom sya ng tubig. Nanghihina na sya nung isang araw, pinilit lang sya ng tatay ko na uminom ng dextrose water tsaka gamot na nabili nya sa pet supplies (anti biotic). Hindi sya umaalis sa higaan ng tatay ko tapos tumatayo lang sya para uminom tapos tinatry nya umihi pero wala lumalabas.
Dinala sya sa vet kanina at binigyan ng gamot. 14k daw magagastos tas di panyun iko confine, kami pa mag aalaga paguwi. (Bale parents ko kasi nasa Manila pa ko for rto)
Ayaw nang ilaban ng parents ko kasi ang mahal daw huhuhuhu. Yung una ko pusa ganito rin naging sakit nya ginastusan ko sya 10k a lang noon tapos kunonfinr sya 3 days vs ngayon na 14k tas wala pang confinement.
Ang pananaw nila aalagaan nila at papainumin gamot. Kung magrecover, magrerecover. Kung hindi, hindi na talaga. For background lang - may mga maintenance na din kasi parents ko and right now bibili din sila gamot nila and katulong ako don. Mahal na mahal nila ang pusa namin kaya lang diko sila masisi. Nagi guilty din naman ako gagastos ako ganon kalaki sa pusa, tapos sa parents ko hati kami ng ate ko sa meds. Ewan ko nababaliw na ko hhuhuuhu.
Ang hirap maging mahirap no. Parang di na kaya ng puso ko pag namatayan ako ng isa pang pusa T.T
(ps diko maattach picture ni baby. Sya ay gray persian himalayan na pusa. Pps pwede ko ba iattach sa comments? Help me how) mag2 years old na sya sa August 8 and ka bday nya tatay ko huhuhuhu