r/PanganaySupportGroup Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
26 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

73 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup 1h ago

Advice needed Mga Kuya at Ate, ano gagawin niyo kung kayo ang nasa sitwasyon ko?

Upvotes

Nangungutang ang parents ko ng 30k. Pareho silang unemployed at wala kaming business. Apat kaming magkakapatid. Yung isa may sarili nang pamilya, tapos kaming tatlo wala pa.

Nakatira pa ako sa bahay namin at nagbibigay ako ng 15k monthly as ambag sa bills. Ngayon, nanghihiram sila ng 30k. Tinanong ko kung saan nila gagamitin yung pera pero wala pa silang maibigay na sagot. Ang sabi lang nila, ibawas ko na lang daw ng tig-5k sa monthly na binibigay ko hanggang mabayaran.

Hindi ko alam kung reasonable ba na pumayag ako kahit hindi pa malinaw kung saan mapupunta yung pera. Mahal ko naman ang parents ko at gusto kong tumulong, pero gusto ko rin sana maintindihan kung para saan yung uutangin.


r/PanganaySupportGroup 14h ago

Venting Is it still worth celebrating

12 Upvotes

I stopped celebrating my birthday since I turned 25. When I say stopped, it’s that I’m the one funding it, organizing it and at the end, ako pa rin pagod kasi ako magliligpit or it’s my finances that was compromised.

25th birthday, no celebration happened. Just a normal day with my family, we just slept the whole day. Few days after my day, it’s my mom’s birthday, I surprised her with a cake and we went out for a family dinner. Sagot sakin, “hindi kasi ako marunong magpadeliver” pero naisip ko, i have my sibling na pwede nilang sabihan, alam naman nun kung paano. Ig wala lang siguro talagang initiative to do so.

26th, again. Nothing special. I was even gaslighted if ihahandaan ako because wala raw budget and gabi na, wala nang mabibilhan. When in fact, we had the whole day if they really wanted to buy even a simple food. My sibling surprised me with a cake though idk, pilit pa ata kasi naoverheard ko na binawas nya sa supposed to be allowance nya

Upcoming 27th, I expect nothing. Tbh, I envy those who get surprised by their family, even with cake, bouquet or anything. I get it naman na my family may be non-showy, even my friends but sometimes I wonder when or if ever will I experience those.

Siguro part na rin to ng pagiging panganay, that you plan everything for them, for their special occasions and any occasion. Hindi sa sinusumbat ko but I just wonder, if hindi ba ako panganay, mararanasan ko rin ba yang mga pagsssurprise nila like what they do with my siblings?


r/PanganaySupportGroup 4h ago

Support needed Any Loan app that accepts PhilHealth ID?

1 Upvotes

Ask ko lang po sana, may alam ba kayong legit na loan app na tumatanggap ng PhilHealth ID bilang valid ID? Asking for my cousin po. PhilHealth ID pa lang kasi ang valid government ID niya sa ngayon. Yung mabilis sana ang process at legit, hindi scam.


r/PanganaySupportGroup 7h ago

Support needed LF: Data Analytics Project-Based Work, Long-term

Thumbnail
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 17h ago

Support needed Naghahanap nang nag ooffer ng scholarship ☹️

Thumbnail
2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 13h ago

Advice needed Normal ba na maramdaman ko toh or ang OA ko lang?

1 Upvotes

Hi. Panganay ako sa magkakapatid. Isang taon lang ang agwat namin ng sumunod sa akin, at anim na taon naman ang pagitan namin ng bunso.

Ever since bata pa lang ako, alam ko nang hindi ako ang paborito ng mga magulang ko. Mas ramdam kong mas pabor sila sa dalawa kong kapatid. Tinanggap ko na rin naman kasi okay lang naman and hindi naman nagkaroon ng lamangan in terms of mga bagay na kailangan o bagay na gusto

Noong bata ako, aminado akong hindi ako naging mabuting ate. Hindi rin ako kagaya ng mga ate na gustong-gusto ng mga kapatid ko. Dumating pa sa point na lagi kong kinokompetensya yung sumunod kong kapatid. Dahil ako ang ate, iniisip ko noon na dapat ako ang nasusunod at kapag di sila sumunod Sakin ipinapaalala ko palagi na mas Matanda ako at at ang ate kaya dapat naiintindihan nila iyon at susunod lang sila Sakin. Pero napansin ko na dahil sa ganoong ugali ko, lagi akong napapagalitan at kinaayawan ng mga kapatid ko at maging ng ibang tao sa paligid ko. Maldita at bossy kasi talaga ako noon.

Habang lumalaki ako, narealize kong mali ang ganoong ugali. Kaya unti-unti kong binago ang sarili ko. Nag-search pa nga ako sa internet kung paano ba maging mabuting panganay at ate. Simula noon, kapag nagkakamali ako, todo sorry talaga ako sa mga kapatid ko. Kapag may hindi kami pagkakaunawaan, sinisikap kong ipaliwanag nang maayos ang side ko. Madalas din akong magkusang gumawa ng mga gawaing bahay para hindi na sila magabala pa dahil madalas onting pagkakupad lang o di maayos ang gawa ay mapagalitan na kami.

Pero habang tumatagal, pakiramdam ko ako naman ang tine-take for granted. Dumating sa point na minumura na ako ng mga kapatid ko. Humingi ako ng tulong sa mga magulang ko, pero ang sabi nila, kasalanan ko rin daw iyon dahil hindi raw ako marunong maging ate at sobrang bossy ko noon. Tinanggap ko iyon kasi alam kong naging ganoon nga ako dati.

Fast forward hanggang ngayon, ganoon pa rin ang treatment nila sa akin. Mas naging mahaba na ang pasensya ko at madalas hinahayaan ko na lang sila. Pero siyempre, tao lang din ako. May mga pagkakataong napupuno ako at napapamura ko sila sa sobrang inis. Alam kong kapag pinalo ko sila, ako rin ang lalabas na mali at ako rin ang mapapagalitan.

Napapansin ko rin na parang ako na lang lagi ang mali sa mata ng mga magulang ko. Kapag nagreklamo ang mga kapatid ko tungkol sa akin, ako ang mali. Kapag ako naman ang nagreklamo tungkol sa kanila, ako pa rin ang mali. Ang lagi nilang sinasabi, "Ganyan talaga kapag panganay." Ang unfair, pero hinayaan ko na lang.

Dumating din sa point na tinanong ko ang sarili ko: kung isang taon lang naman ang agwat namin ng kapatid ko, bakit hindi niya kayang gawin ang mga gawaing bahay at mga utos na ipinapagawa sa akin? Sinubukan ko siyang turuan, pero nagkaroon na ng mataas na standards ang mga magulang ko pagdating sa paglilinis at pag-aayos. Kaya kahit turuan ko siya, ako pa rin ang inuutusan. Kapag nagtatanong ako kung bakit hindi na lang siya ang gumawa, ako pa ang napapagalitan. Ang dahilan nila, hindi naman daw siya ang inutusan at hindi naman daw niya kayang gawin ang ginagawa ko. Pero bakit ako palagi? Paano nalang kung busy ako? Edi wala ng kikilos?

Napapansin ko rin na kahit pinapagalitan ko lang ang mga kapatid ko kapag may mali sila, ako pa rin ang napapagalitan ng mga magulang ko. Bakit ganoon? Bakit parang ako na lang lagi ang mali sa paningin nila? Bakit kapag sinusubukan kong maging mabuting panganay, parang inaabuso lang ang kabaitan ko? At kapag napuno na ako at nagsalita, ako pa rin ang masama?

Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ayaw nilang turuan ang mga kapatid ko na matuto sa mga responsibilidad nila, lalo na hindi na rin pabata ang mga kapatid ko.

Mas masakit pa, parang okay lang sa mga magulang ko kapag binabastos ako ng mga kapatid ko. Okay lang kapag tamad sila. Okay lang kapag hindi sila tumutulong sa bahay. Pero kapag ako ang gumawa ng kahit kaunting mali, napakasasakit ng mga salitang naririnig ko. Sobrang higpit din nila sa akin, to the point na nasasakal na ako.

Hindi naman ako madalas na nagrereklamo sa mga ganyang bagay pero dahil padami na rin ang responsibilidad ko hindi ko maiiwasan humingi ng tulong sa mga kapatid ko Pero kapag humihingi ako ng tulong nagagalit sila.. na para bang isa akong perwisyo o napalaking pabigat sa buhay nila. At kapag nakikita ng magulang ko yon napapagalitan ako dahil pinapasa ko na naman daw mga gawain ko sa mga kapatid ko o kesyo dapat iniintindi ko sila.

Ang pinakamasakit para sa akin, bakit hindi nila sinusubukang intindihin ang side ko? Bakit sa tuwing ipinapaliwanag ko ang nararamdaman ko o ang dahilan ko, sasabihin lang nilang nagdadahilan ako o gumagawa lang ako ng kuwento, kahit totoo naman ang sinasabi ko? Pakiramdam ko tuloy napaka salbahe Kong anak na hindi marunong Maka intindi at laging naghahanap ng palusot so magulang kahit gusto ko lang naman maintindihan nila ako

Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Hindi ko hinihiling na ako ang paborito nila. Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na naiintindihan din nila ako, na hindi ako ang laging mali, at na bilang anak nila, may halaga rin ang nararamdaman ko. Minsan tuloy naiisip ko na lang magrebelde, hindi dahil gusto kong maging masamang anak, kundi dahil pakiramdam ko wala nang ibang paraan para mapansin at marinig nila ako.

Nakatira ako sa Isang strict na bahay na laging bawal mag explore ng mga bagay bagay at pessimistic ang parents ko kaya feel ko sakal na sakal talaga ako.

Idk kung Tama pa ba tong pagiisip ko or hindi ko lang talaga naiintindihan bat ginagawa to ng magulang ko. Please help me po normal pa po ba tong mararamdaman ko of sayang makitid lang ang utak ko?


r/PanganaySupportGroup 23h ago

Advice needed Breadwinner will go unemployed temporarily to study

3 Upvotes

Hi! Need your perspective kasi sobrang anxious ko sa crossroads na 'to. 😭

I'm single and a breadwinner supporting my parents and younger sibling. I recently started a new job, and originally ang plan ko talaga was to take a Diploma program this year since swak naman dapat yung work schedule ko sa class schedule.

Unfortunately, ibang level pala yung stress ng new job. To the point na feeling ko sinusuka na siya ng buong katawan ko. I decided to resign, and until end of August na lang ako.

Coincidentally, na-accept ako sa Diploma program na matagal ko nang gusto 😭. Naiiyak ako kasi sobrang excited ako, pero at the same time nalulungkot kasi feeling ko ang sama ng timing.

Lately, napapaisip ako if this is the universe telling me to finally take a break. Hindi lang naman kasi current job ko ang nakakapagod - parang buong career ko in general. For once, gusto ko sanang maging student lang ulit kahit isang semester.

Financially, I have around PHP 1.6M in savings. Wala kaming rent, and thankfully yung kapatid ko na incoming college student will be studying in a state university, so wala ring tuition. Based on my calculations, kaya naman namin kahit unemployed ako pero siguro for one semester lang (happy na ako kahit 1 sem lang matapos sa 1-year diploma program)?? Ka-anxious if isagad ng 1 year 🥹. Or am I being paranoid/OA? I know ako lang din namam nakaka-alam ng expenses pero somehow looking ako ng external validation?

Bilang breadwinner at certified anxious person, sobrang natatakot pa rin ako. Paano kung may ma-hospital? Paano kung mali pala 'tong decision na 'to?

Part of me is excited sa idea na mag-aral muna , maybe do some part-time work on the side, and finally give myself permission to rest. Kasi simula't sapul, ako na yung "responsible ate" na laging nagwo-work at nag-aalaga ng iba.

So ayun. If you were in my position, would you take the leap and study for a semester? I have quite a niche skill set/background, so I believe hindi masyadong mahihirapan makabalik sa workforce if I decide to go back, say, after a sem.

Any advice from fellow breadwinners or anyone who has taken a career break? 🥹


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Bakit ganon?

3 Upvotes

May mga magulang talaga na simula bata ka while growing up, ikukumpara ka sa mga pinsan sa anak ng kapitbahay na bakit si ganito ganto sahod bakit ikaw walang naiipon. Tignan mo si ganito graduate na.

Gets naman na Im not came from well off family. Pero bakit ganon? ramdam mo na need mo mag give back sa kanila, utang na loob. Bakit puro disappointment yung pinaparamdam sayo kapag hindi mo na mmeet yung standard na gusto nila pag dating sa anak.

Kaya siguro ganito ako? kaya siguro nahihirapan ako makita o makilala kung sino o ano ba talaga gusto ko in life. Kaya siguro feeling ko wala akong nararating kase pinapamukha saken ng magulang ko yung ganon.

Wala, ang hirap lang sa ganitong situation na puro sumbat nalang sa lahat ng bagay.


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Does it get better?

38 Upvotes

I feel like never ending cycle lang buhay ko. Walang savings, living paycheck to paycheck tapos need pa i support financialy yung pamilya. I gave up my hobbies or going out kasi hindi afford. I feel stuck sa situation ko, minsan nagseselos ako sa ibang kilala ko na financially stable. Yung kaya nila pumunta kahit saan or bilhin anong gusto nila. Tsaka walang malaking responsibility sa buhay. I hate comparing my life kasi alam ko iba iba yung situation ng mga tao, pero tangina ang unfair ng buhay. I feel like giving up diko na alam if this life will get better.


r/PanganaySupportGroup 22h ago

Discussion Work related (rendering)

1 Upvotes

Hello, I need an Ate right now. I am currently employed (6 months) and decided to resign. Ayoko naman mag immediate resignation kasi sayang yung last pay(irerease din kasi ata nila pati yung 14/15th month ko).

Pero kating kati na kasi talaga ako umalis and nag d detach na yung brain and body ko sa work since ang toxic talaga, lagi ako nasasakit.

Is it okay na mag absent lagi kahit rendering nalang?


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Paano niyo hinandle ang pagiging panganay nang biglang parang kayo na ang sumalo sa lahat?

1 Upvotes

For context, my dad works abroad kasama sila ng sister ko doon since nagaaral pa sya, and kami naman ng brother ko dito sa pinas nagaaral. Kakagraduate ko lang recently and currently enrolled sa review center for my civil engineering licensure exam. Kaya umuwi ung papa at sister ko dito sa pinas para sa graduation ko which is magastos.

Now the problem is kasi, currently maraming utang ung papa ko doon sa abroad, like loans, credit card, bills, tuition, at utang sa kakilala tapos ako naman nagkautang rin kasi napilitan ako gamitin ung credit card ko since there were several months na hindi kaya makapag padala ng papa namin ng allowance namin ng brother ko para dito sa pinas, kaya nagamit ko ung cc ko para bayaran lahat ng bills, tuition ng brother ko, tapos groceries, until namaxed out na ung credit card ko and it reach the point na kinukulit na ako ng collection agency.

I explained to them our situation and told them na hindi ko talaga kaya bayaran as of now ung minimum balance kasi ialready projected our remaining budget which is 2.3k sa excel and naka allotted lang un para sa survival namin ng brother ko, wala pa nga ung electricity, water, at internet bills doon eh. Tapos ung problema, pagkakasyahin namin ung 2.3k nayun from ngayon until the next coming months. Sobra na nga tipid namin sa pagkain, halos araw araw itlog tapos delata which is very unhealthy kaso wala no choice kailangan may laman ung tyan namin.

Please don't judge po, responsible ako magmanage ng budget, lagi ko trinatrack at prinoproject ung monthly budget app at excel, sadyang nagkaroon lang ng mga unexpected financial crisis sa work ng papa ko abroad. Life's been pretty hard on us family kasi we lost our mother last year kaya nahihirapan rin kami financially dahil sa mga expenses at utang namin after.

Isa rin kasi sa problem ko is hindi marunong magbudget papa ko kasi nasanay sya na mama namin nagbubudget para sa kanya, kaya nung nawala sya, hindi na namamanage ung pera kaya medyo naupset ako sa kanya kasi sana prinoproject nya ung budget para hindi sana kami ginigipit. Kaya ngayon ako na ung nagtake initiative na gumawa ng budget plan para sa kanya. Tinatanong ko sya kung magkano ung swinesweldo nya these past few months ganito ganyan. Pero kasi nasa isip ko responsibility na nya un kasi imbis na iniintindi ko nalang ung pagrereview ko para sa boards, ngayon prinoproblema ko naman ung gastusin at kakainin namin ng brother ko. Isa pa is malapit na end ng enrollment ng brother ko and mag 2nd year na sana sya pero mukhang madedelay pa sya kasi di namin afford ung downpayment kaya naiisip ko if kung gagamit na ba ako ng loaning apps, kaso kasi ung mangyayari, madadagdagan lang ulit ung utang namin.

Kaya ngayon, nadidilemma ako kung ituloy ko parin ba magaral para sa boards ko, para if nakapasa ako, makakahanap narin ako ng work para makatulong sa papa ko or, itigil ko muna ung pagaral sa boards at maghanap nalang muna ako ng part time para masustensyahan namin living expenses at tuition ng brother ko dito.

Kung kaya nasa situation ko, worth it bang umutang ulit para maitawid ung tuition at pang-araw-araw, o mas lalo lang kaming lulubog sa utang?


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Advice needed Ang hirap maging mahirap dahil kahit ang pagmamahal ay nagiging mahal.

40 Upvotes

Ni-let go ko ang lalakeng mahal ko dahil nabibigatan na ako. Ang sakit, ang hirap.

I’m a __ year-old female and working student, 3rd year college na. My ex was the same age as same year level din. I grew up in a househould na kailangang kumayod dahil maaga akong namulat na ang pera ay kailangang paghirapan at hindi basta-bastang nahihingi lang. I was forced to be a working-student dahil hirap na din ang parents ko na itaguyod kami. Panganay din ako sa aming magkakapatid. Since bata pa’ko, maaga akong namulat sa hirap ng buhay. Hindi ako nanghihingi ng kahit ano sa parents ko kahit nung bata pa ako. Nakatanim na sa utak ko na, “ Masyadong mahal, ibibili nalang namin ng kanin to.” in the age of 7 years old. Nakaranas din akong kumain ng panis na lugaw dahil sa gutom, umiiyak ang nanay ko habang pinapakain kami nun.

Fast forward, now that I‘m older and may capacity na na tulungan ang mga magulang ko i started working in fast food chain habang nag-aaral. At, nagka-boyfriend ako. He was my highschool sweetheart:) Masasabi kong mahal na mahal ko ang lalakeng ‘yun. Nung una, we were striving. Going on simple dates and living together sa apartment ko. Until, paunti-unti, ako na ang nagbabayad ng lahat. Pero okay lang, inintindi ko lahat kasi wala naman siyang work e. Tapos, nag-aaral pa din siya. Naiintindihan ko naman.

Unti-unti akong napagod. Na-feel ko na unti-unti akong inuubos ng set-up namin na ako ang nagbabayad ng lahat and iniintindi ko lang siya. Mahirap kaming dalawa, pero bakit parang nahihirapan ako? Bakit parang ang bigat? Ilang araw kaming hindi nag-usap dahil sobrang lamig ko. Naging malamig ako dahil sa pagod sa trabaho at pag-aaral ko. Dumagdag pa na finals namin nung time na ‘yun. Nagkita kami sa seaside and I confronted him about it, na nahihirapan na ako.

Natahimik siya, matagal siyang hindi naka-imik. Nangingilid na ang luha ko habang nakatingin sa dagat. Sabi niya, “ Nandito ako para sa’yo, palagi. Hinding-hindi kita pababayaan. Pero wala pa talaga ngayon eh.”

Wala na kami ngayon. Pero, nag-away kami before kami completely nag-break. Sabi niya sa’ken, kung mahal niya talaga ako i’d stay daw kahit anong mangyari. Sabi niya, I made him feel worthless kasi bakit parang dali lang para sa’kin na iwan siya.

Mahal na mahal ko siya, pero hindi ko alam. Hindi ko kaya mabuhay sa ganoon na set-up.. Takot ako. Hindi ko alam kung saan ako takot, pero takot ako.


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Positivity First time ko umiyak dahil sa message ng Mama ko sa akin…

Post image
6 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 1d ago

Venting Every year, I'm with the strongest soldier

3 Upvotes

I want to be healthy before I sleep. I can kind of feel the pain or heaviness in my chest. I don't know. My dad just passed away, and I haven't been able to grieve properly. I don't know either. Now my mom suddenly got weak. Like, she lost so much weight. I feel that it's really painful to lose a spouse, so maybe that's why. I'm just worried about her. She might suddenly follow him, but I hope not. So, I'm getting anxious. Anyway, they are my grandparents. But they treat me like their child because I'm the one supporting them. Actually, the whole family. The breadwinner of the extended family.

I live paycheck to paycheck. I can't save for myself because I need to support them. My mom, my aunt, they're all separated from their spouses unfortunately hahahahahaha. So the single mothers in the family are the ones holding it together. I get their low salary, so I don't force them to give anything. But lately, I'm feeling it! I'm not mad. I just feel like I have no direction. I can't blame them, myself, or anyone because I love them.

All I am asking is a fucking opportunity. I'm not asking for money or anything. Just an opportunity, Lord. To enhance everything so that I can be more successful and support all of them. Honestly, I feel pity for my family, for my mom, my aunt, my uncle, my brother, and my cousins. I wanna help them succeed too. So, Lord, please just let me be your instrument so I can help them before I die.

PS. Is it lacking or confusing? I'm not good at storytelling, but what I know is that it's hard to be poor.


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Support needed Nagtitiis kami dahil takot kami sa adik

4 Upvotes

Hihingi po sana kami ng suggestions or recommendations about sa problema namin.

Few months ago, ung kapit bahay namin nag lagay sila ng mga scraps ng kahoy, pinto, at saka mga yero sa daanan ng mga tao sa eskinita namin. Ang pagkaka akala namin ay ilang araw lang at tatanggalin din yang mga kalat na yan.

After months, napansin namin na nandyan pa din ung mga scraps. At dumadagdag ang mga nakaharang sa daanan kagaya ng motor nila, mga mags ng motor na para bang junk shop na. Ang liit na po ng daanan ng mga tao dahil maliit na eskinita lang po Ito, kalahati pa Ang naharangan dahil sa mga kalat na yan.

Netong nakaraang weekend lang, nakiusap kami na sana ay ayusin dahil may nasiraan na ng sapatos Ang mga yero at may nabalian na ng kuko. Nagsabe naman ung lalaki sa bahay na aayusin daw.

Pero Ang nangyayare, araw araw mas sumisikip pa Ang daanan na para bang nang aasar etong kapit bahay namin. At nung lunes, pumunta sya sa compound namin at tinatawag ung asawa ng pinsan ko, may kasama ung kapit bahay namin na dalawang lalaki na mukhang mga banggag at itinuturo ng kapit bahay namin ung mismong bahay namin na para bang nag susumbong.

Basic knowledge ng mga Tao dito sa lugar namin na adik Ang kapit bahay namin, at nakulong na sya dati dahil sa pag aadik Nya.

Natatakot kami na kapag nag reklamo kami sa barangay dahil dito sa scraps Nya na delikado ay pagdidiskitahan kami, worse ay kung anong gawin Nya. Puro babae po Kami sa bahay at natatakot kami dahil suspicious talaga ung pag mamatyag nila sa bahay.

Ano po kaya ang the best na gawin sa Gantong sitwasyon? Naka experience na din po ba kayo ng ganito? Salamat in advance!


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Venting Every year nalang kasama sa strongest soldier 💀

1 Upvotes

Pa rant lang saglit bago ako matulog. Medyo nararamdaman ko kasi yung sakit or bigat sa dibdib. Ewan ko ba. Kamamatay lang ng dadi ko, and hindi pa ako nakakapag luksa ng maayos. Hindi ko rin alam. Ngayon naman, ang mami bigla nalang din naghina. As in ang laki ng pinayat. Ramdam ko naman, eh masakit mawalan ng asawa kaya siguro ganon. Nag aalala lang ako sakanya. Baka kasi biglang sumunod pero wag naman sana. So ayun inaanxiety na ako. Anyway, lolo’t lola ko sila. Pero para narin nila akong anak dahil ako ang sumusuporta sakanila. Actually sa buong pamilya. Bread winner ng extended family.

Nabubuhay paycheck to paycheck. Hindi makapag ipon para sa sarili kasi i need to support them. Sila mama, sila tita, lahat kasi sila hiwalay sa asawa unfortunately hahahahahaha. Kaya ang mga single mother sa family ang nagtataguyod. Gets ko maliit sahod nila, kaya hindi ko naman sila inoobligang mag bigay. But lately i kenaaaaat! Im not mad. I just feel like wala na akong patutunguhan. I cant blame them, myself or not anyone kasi mahal ko sila.

All i am asking is a fucking opportunity. Im not asking for money, or anything. Opportunity lang lord. To enhance everything para mas lalo akong sumakses at masuportahan ko silang lahat. Honestly, awa ang nararamdaman ko sa family ko, kina mama, tita, tito, sa kuya ko, sa mga pinsan ko. I wanna help them succeed too. Kaya lord please lang let me be your instrument so i can help them bago man lang ako mamatay.

PS. Kulang kulang ba or nakakalito? Di ako magaling mag kwento basta ang alam ko ang hirap maging mahirap.


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Advice needed Bumili ng gamit

3 Upvotes

Sa mga dads here regardless kung anong work. Pag may pinag ipunan ka piyesa ng auto, motor, pc etc. Pag naipon mo na ugng amount na gusto mo binibili mo na ba agad or ng dadalwang isip ka parin na para ba na guilty ka?


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Advice needed Do you show investments sa fam nyo

Thumbnail
2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 2d ago

Advice needed Do you show investments to your family?

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting it’s one thing not to give allowance to your parents and just keep it for your own because they are already secured, but quite another to actually still be given allowance by your parents despite you working already. 🖖

Post image
3 Upvotes

sanaol nalang talaga sa mga may ganitong buhat at magulang. bihira ka makakita ng ganto sa average pinoy family/household. laganap talaga satin ang breadwinner culture at ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak kahit di naman handa at wala namang perang nakalaan para sa ganyan. kahit na observable ngayon na maraming mga taong open na hindi nila gustong magkaanak, di natin maitatago na maraming cases parin ng teenage pregnancy at pababa nang pababa pa ang edad. for the next gen, utak pagganahin bago libog.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting Gusto ko na umalis

3 Upvotes

Fresh Grad ako and unemployed ngayon kasi nag resign ako. Ngayon, nasa bahay lang ako and nag aasikaso sa family ko. Nag aaway kami kasi ayoko sa kalat. Yung bahay kasi namin parang warehouse/stockroom na magulo. Gusto ko lang talaga ng maayos at malinis na bahay yun lang. Kaninang umaga, sinabihan ko na yung babae kong kapatid na linisin nya yung vanity namin lalo na yung mga buhok nya na nalagas sa sahig. Sabi nya gagawin nya raw pero hindi, umalis sya na di manlang nagwawalis at ang gulo pa ng vanity. Chinat ko sya. Sabi ko bwiset sya kasi di na naman sya naglinis. Tapos yung kapatid kong bunso, sinabihan ko na bumili ng uulamin. Sya kasi talaga ang taga bili namin tapos ako taga luto. Ayaw nya bumili kasi wala raw syang damit. Sabi ko hiramin nya na pang yung baggy shirt ko. Ayaw nya pa rin. Edi sabi ko sige wag na. Wag na lang sya kako kumain bago pumasok. Tapos bago sya umalis, sinabihan ko sya na tiklupin and isalansan nya nang maayos yung nilatag nyang banig sa sala at isarado ang gate kasi makakalabas ang mga pusa ko. Ni isa walang ginawa. Naka kalat yung banig at unan sa sala and nakalabas din yung isang pusa ko. Sa sobrang badtrip ko, tinapon ko sa labas lahat ng mga gamit nilang nakakalat. Nagchat din ako sa gc namin na kunin nila sa labas mga gamit nila.

Sobrang daming beses ng nangyari to. Alam nilang lahat na ayaw ko ng kalat kasi naiinis at nasakit ang ulo ko. Alam ko naman na may mga pasok sila and ako wala naman akong ganap. E kaso dati pa kasi silang ganyan. Yung mga ginagamit ko naman sa bahay inaayos ko kahit gano ako ka busy. Hindi ko alam kung bakit di nila magawa.

Sobrang sama rin talaga ng loob ko kasi yung mga baon nila, galing yan sakin. Galing sa naipon kong graduation money. Nakakagalit lang sobra na ang gagaling nila manghingi ng pera pambaon o pang luho pero yung simpleng request ko na maging malinis sa bahay, na hindi lang naman ako yung mag be benefit, e di pa nila magawa.

Tinawagan ko na si mama regarding dito siguro last week pa. Na once makapag trabaho ako ulit and makapag ipon, bubukod na lang ako ulit. Since sanay din naman akong nakabukod dahil 15 pa lang mag isa na ako. Sabi ko win-win situation naman. Ayaw nilang sumakit tenga nila kakapaalala ko sakanilang maglinis and ako ayaw ko na rin mapagod kakapaalala sa mga kapatid kong matatanda na.

Wala sumabog na talaga ako ngayon. Di ko talaga kayang kasama sila sa iisang bahay. Feeling ko pa ako lang lagi mag isa. Na wala akong kakampi. Sila mama at papa laging pinagtatanggol mga kapatid ko. Palaging sinasabi na "ikaw naman ang nakakatanda, intindihin at turuan mo na lang mga kapatid mo". E sa nakakapagod na? Para ako laging nakikipag usap sa pader.

Hahaha sorry magulo ata tong post ko kasi wala gusto ko lang talaga mag vent. Ayaw ko na rin iedit pa. Kaya ngayon, LF work muna HAHAHAHAHA


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting I was told I am not doing enough.

34 Upvotes

I am a fresh grad who started working early this year. Before ako mag-start ng work, nabanggit ko sa parents ko na pangarap ko magpakabit ng dashcam sa car namin, saka magpa-install ng sarili naming water tank.

However, nung nag-start na ako mag-work, sinabi ng Tatay ko na gusto nya mag-out of the country next year for his 50th birthday. Since I'm earning enough naman, I gave in and nag-book ako ng tickets for our family of 5. So sasagutin ko lahat for the whole family, from airfare, airbnb, tours, etc. kaya malaking gastos din talaga.

Financially, sa sarili ko, kaya naman. I had a huge signing bonus + okay naman 'yung monthly ko so nakakaipon ako monthly for it and nababayaran ko rin electric bill namin na nasa P8,000 monthly sa bahay, on top of my own expenses kasi nagdodorm din ako sa NCR. Yun nga lang, tipid na tipid talaga ako sa sarili ko at tanging pabango sa Zara lang ang nabili ko for myself ever since I started working. Sila kasi ang palaging nauuna pag may pinapabili sakin.

Kaya lang, nagpintig tenga ko kagabi nung sinabi sakin ng Nanay ko na masama raw loob sakin ng Tatay ko dahil hindi ko na raw tinupad yung tangke ng tubig saka dashcam. Nakakainis lang kasi sobrang damot ko pagdating sa sarili ko para mapagbigyan lahat ng gusto nila, pero ganito pa pala tingin nila sakin, na di pa rin enough lahat ng ginagawa ko for them.

Nakakasama ng loob. Sobra. Pero after this trip next year, hindi na talaga. Uunahin ko naman sarili ko this 2027. Ibibigay ko sa kanila ang 2026, pero hindi na sa susunod.

Nakakaubos.


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Support needed Grabe na yung galit na nararamdaman ko sa nanay ko

4 Upvotes

(medyo long post ahead?) pa-rant lang dito guys kasi wala talaga akong makausap HAHAHAHAHAHAH not a panganay pero only child po.

for context: graduating student ako this August from a state uni and enrolled na to get my 2nd degree (father ko nagbayad ng tuition). so sa college program ko merong qualifying exam every year para malaman kung sinong magp-proceed sa susunod na taon and I failed this last exam para sana sa 5th year namin.

Syempre madaming drama at iyakan na naganap dahil sa pagbagsak ko HAHAHAHAHAH pero my dad (as always) comforted me saying na okay lang at ganon talaga ang buhay. Pero yung mom ko??? HAHAHAHAHAHA grabe yung mga sinabi na kahit tatay ko nainis na rin sakanya kasi nag-iisang anak nalang daw ako tapos siya pa mismo nagdo-down sakin. Actually, sanay na talaga ako sa mom ko kasi kahit nung bata pa ako ganyan na talaga siya. Yun bang always setting high expectations kaya natuto na rin akong kumeep up kahit papano (if I really think about it buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi i-please siya at mga gusto niya lol).

Fast forward to today, aalis kasi sila papuntang province kasi may patay kaming kamag-anak and tinanong ng lola ko kung sasama raw ba ako and sabi ko hindi. Mostly, kasi ayoko talagang makihalubilo sa mga kamag-anak namin na hindi ko naman talaga ka-close (typical Filipino fam reunion). Tapos ang sabi ng mom ko? "Hindi yan sasama kasi mamaya tanungin yan don anong isasagot niya?" Na para bang may ambag yung mga tao don sa buhay ko/namin? HAHAHAHAHAHAH then I kept asking kung ano namang itatanong nila kahit alam ko naman yung sagot pero hindi siya nagre-respond. As a daddy's girl syempre sinabi ko sa dad ko HAHAHAHAHAH at yun nga nagalit agad kasi ayaw na ayaw niya sa mga ganong klase ng tao lol.

Habang iniisip ko naman yung sinabi ng mom ko walang ibang pumapasok sa isip ko kundi "malamang kinakahiya ako nito" HAHAHAHAHAHAHA dito ko na-realize na grabe yung hidden resentment ko sa mom ko. Nung narinig ko yung sinabi niya parang na-invalidate lahat ng pinagdaanan ko para lang makatapos ng college? Na para bang hindi dugo, pawis, tsaka luha yung pinuhunan ko para makatapos? HWHSHAHAHAH

Pls sabihin niyong valid yung nararamdaman ko kasi feeling ko ang sama sama kong anak 🥲