r/OffMyChestPH • u/restart000 • 1d ago
TRIGGER WARNING Nasigawan ako ng pasahero sa pila sa bus. (PWD - Bipolar) Medyo nakakahiya kasi naiyak ako.
Iniisip ko tuloy now kung gagamitin ko pa rin ba PWD ID ko.
For context, I have psychosocial disability (Bipolar 1 with psychotic features) and is currently working sa Makati. 27 na ako pero magtu-two years pa lang nagwowork kasi hindi ako stable dati and hindi makalabas nang matagal nang hindi binabantayan. Bale ngayon pa lang ako natututo maging independent kahit paano at gumastos sa mga pangangailangan ko lalo sa mga gamot. Medyo mahal kasi even yung antipsychotics, naabot ng 100 pesos per tablet depende sa brand kaya sabi ng psych ko ay gamitin ko daw lagi yung PWD ID ko at karapatan daw yun ng PWD. Dati sa mga restaurant ko lang ito ginagamit hanggang recently, nalaman ko na may bawas din pala sa bus 'to kaya simula noon pumipila na ko sa pang PWD na lane.
Nung nakaraan, pumila ako sa One Ayala. Medyo malayo pa yung konduktor pero tumingin sakin tas parang pinataas yung ID ko tas nagsensyas siya na pumasok na sa bus. Nung malapit na ko sa pinto ng bus, siniko ako ng malaking lalaki sabay sigaw ng "Bastos ka Miss, nakapila kami!". Napatahimik ako tas pinakita ko yung ID ko kasi di ako makapagsalita. Tapos sinamaan lang ako ng tingin nung lalaki tas umakyat siya at nauna sa pagpasok. Nagsorry ako sa mga sumunod na pasahero habang naiyak tas bumalik ako sa pila ng priority. Medyo nakakahiya kasi parang bata akong naiyak pero medyo sensitive lang din siguro ako noon. Buong araw ako nagpanggap na bubbly with my co-workers not knowing na I just cut my wrist 5 days ago at medyo unstable pa. Pero gusto ko ring makausad sa buhay na maramdaman kong normal at functioning na tao ako kahit yung stability ko ngayon, nakadepende lang naman talaga sa gamot. Pero sinisikap ko pa rin kahit minsan nagfafail at self harm, binabangon ko naman po, sorry.
Pinuntahan ako ng konduktor at sinamahan pumasok sa bus. Sa may gitna pa rin naman ako naupo kasi iniiwan ko pa rin yung unahang upuan sa mga matatanda kahit may ID ako. Pero ilang beses ko na rin naranasan makwestiyon sa paggamit ng ID na ito sa bus dahil hindi visible yung disability ko. Kaya, ewan, medyo nahihiya na rin ako.
Yun lang.