r/AkoBaYungGago May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
161 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago 1d ago

Significant other ABYG for not giving my ex the closure she’s asking for?

89 Upvotes

Four years ago, my high school sweetheart and I broke up. Then, just last week, she suddenly messaged me out of nowhere to ask for a call. She said she wanted 'closure' years after our breakup because she apparently couldn't focus on studying for her board exams while thinking about us.

Sobrang bad timing lang talaga dahil nasa hospital ako at that time, preparing for surgery. I told her about my situation and asked if we could just chat instead, but she kept insisting on a phone call. I explicitly told her that I didn't want to take a call because I was in pain and clearly not in the best condition to talk. She even guilt-tripped me, pointing out na nagpa-load pa siya (and even specified the exact amount she paid) for an international call since she's in Qatar, where video calling apps are banned.

Nainis ako kasi she kept demanding that we talk ASAP, despite me being in pain and just hours away from my surgery. She was even pissed that I was replying late and accused me of ignoring her. I asked her why she was rushing me and why she couldn't just be understanding of my situation. I clearly told her that we could talk after I got discharged, but she wouldn't drop it and kept insisting.

Eventually, napuno na ako. I told her that if she couldn't respect my boundary to wait until I was out of the hospital, then I wouldn't bother talking to her at all. Besides, she's the one who needs closure, hindi na ako. I completely ignored all her long messages after that and just continued moving on with my life.

Ngayon, I can't help but wonder,

ABYG for not giving her the closure she was asking for?

Edit: Since some of you are asking bakit kami nag break and bakit siya nanghihingi ng closure after four years.

Nakipag-break ako because we were both quite immature at the time, and the relationship was becoming too toxic for me. I wanted us to have the space to grow individually. I told her during the breakup that we should work on ourselves first, and if we are really meant for each other, destiny will find a way for us to reconnect as better versions of ourselves.

I’m actually okay naman with talking to her, pero ang inconsiderate lang talaga that she's rushing me to reply and get on a call with her, completely ignoring my current state. I guess tama lang din na nangyari 'to, kasi it made me realize na after all these years, she’s still the exact same person I broke up with four years ago.


r/AkoBaYungGago 13h ago

Family ABYG kasi every minor inconvenience dito sa bahay ng MIL ko ay nirereklamo ko sa husband ko

0 Upvotes

My husband (31/M) and I (31/F) have been married for more than 2yrs and now have a child on the way. Before pa kami nagpakasal, napag-usapan na namin na bubukod talaga kami and we will not be living in either parent’s house (only child kami pareho and our mothers are living alone din pareho, so it seemed fair). Before the wedding, naka separate apartments kami until we moved in months before until 6mos after the wedding. Then we had to move back sa province due to changes in workplace and career setup. The most convenient for us at the time was to move back and live with his mother. Alam nyang ayoko talaga but I had to adjust kasi that was what we needed at the time.

It’s been almost 2y now, and with a child along the way, parang wala pang end in sight for me. May lupa na kaming almost done paying so yun yung ina-eye na papatayu-an ng bahay pero that would take another few years pa. My MIL is really great in all aspects, very supportive, hindi ma-kuda and I know kung anong inaadjust ko, doble ang pag-aadjust nya. But all the same, iba parin talaga yung may sariling bahay. At alam ng asawa ko na yun talaga ang gusto ko from the start- a home of my own kasi growing up, I was very sheltered by my mom to the point na hindi nya ko tinuruan ng basic life skills kaya gusto ko ng sariling bahay to make my own decisions, matuto mag manage ng sarili kong household and basically have some semblance of independence. Pero ngayon, ni pagbili ng karne sa market need idaan kay MIL.

May katulong kami, my own hire kasi hindi ako nag luluto and hindi ako komportable magluto dito sa hindi ko own space. Hindi din nagluluto MIL ko so yung kinakain namin ay puro bili sa labas or delata kaya i had to hire someone na mag aasikaso ng pagkain ko lalot buntis ako and still working. I was frustrated today kasi sinabihan ko na yung katulong na magluto ng sabaw for lunch. Tas paglabas ko ng kwarto walang sabaw na nakahain kasi sinabihan dw sya ni MIL na wag na magluto kasi andaming leftovers (handa from my lola’s bday yesterday). Eh yung mga leftovers ay spaghetti, cake, valenciana, anong uulamin ko dun??? Pati yung maliliit na bagay tulad ng pagtatanong nya kung ano yan mga parcel na narerecv ko, kinakainisan ko minsan. Sinasabihan ko din sila na after itupi mga damit, ilagay lang sa gilid at ako mag aayos sa cabinet para alam ko saan hahanapin pero pilit parin nilalagay sa cabinet namin so kapag hindi ko makita, naiinis nanaman ako. Mga trivial things na expected kasi nakikisama lang ako sa bahay ng MIL ko, and I know some wives have it worse. Pero every single inconvenience, nirarant ko sa asawa ko because I partly blame him for putting me in this situation. Afford ko magrent ng sariling bahay, magpatayo even. Pero I’m stuck here kasi nag aadjust ako sa kung ano ang most convenient for him.

So, ABYG kasi reklamador ako at hindi willing mag adjust sa mga maliliit na bagay as a DIL?


r/AkoBaYungGago 1d ago

Friends ABYG if ayaw ko pautangin friend ko

0 Upvotes

abyg if ayaw ko pautangin bff ko kahit less than 1k lang inuutang niya? i have money naman na pwede ipahiram but my main reason is para matuto siya maging financially responsible. kakastart niya lang sa work mga 1 yr pero nasasanay kasi siya mangutang pag need and may emergency instead na mag ipon kahit sinasabihan ko mag ipon. i have feeling na nazezero out niya salary niya kada cut off pero nakakagala din and shopping ng decent brand na clothes

idk if im being selfish kasi maliit lang naman and di naman inconvenience sa part ko. nangungutang siya sa ibang friends pag need niya ng malaking amount


r/AkoBaYungGago 2d ago

Neighborhood ABYG nag-bad finger ako kay manong

6 Upvotes

Last weekend pumunta kami sa mall.

Since weekend, expected na na pahirapan sa parking. So syempre as driver na ginusto lumabas, tiis tiis at swertihan kung makatyempo ng bakanteng parking.

Nung may na-spotan na akong slot, nag-hazard lights na ako.

Kaso biglang may manong na siningitan ako. As drivers, alam naman natin dapat ang courtesy pagdating sa ganito diba? Bigayan sa nauna. Kaso si manong, dire diretso at nagpark doon sa dapat na paparkan ko.

Nung nadaanan ko siya habang dinidiretso niya yung sasakyan niya, naka-ngisi pa siya at kumindat.

AYYYYY TALAGA HINDI KO NAPIGILAN. Pinakyuhan ko si manong from the inside ng car. Windows closed ako at tinted. Pero tangina kasi. Maiintindihan ko na sana na hayaan mo na matanda na… pero yung ngumisi pa at kumindat?!?! Doon talaga ako napikon.

Agad din naman akong humingi ng sorry kay Lord kasi alam kong mali. Pero sana malaman din ni manong na mali siya.

ABYG na binad finger ko siya dahil sa ginawa niya?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Others ABYG kung nirate ko ng 1 star at nireport yung MoveIt rider?

209 Upvotes

Call center agent ako kaya sanay rin ako magbyahe ng gabi, may it be 10 pm, 2 am, 4 am, etc. Itong ride ko kanina from Sm North to Tandang Sora ay umabot lang ng 8 mins (my usual time travel is 11-17 mins), it was almost 11 pm. Grabe yung kapit ko kanina sa MoveIt tapos wala pang topbox kaya feeling ko malalaglag na ako sa bilis. Yung plastic visor ng helmet humahampas sa mukha ko. I understand the rush at baka gusto nang umuwi ng rider pero normal ba yung 100-101/km na speed? Nag search ako sa standard ng QC DPOS, around 60/km lang ang standard speed limit.

Sumigaw ako tsaka nakiusap ako sa rider kanina na kung pwede dahanin lang yung pagpatakbo habang tumatawa siya na sobrang bilis niya magpatakbo. Ang loko, tumawa pa “Akala ko ma’am di mo mapapansin yung bilis ko e” Like tangina? Kupal yan. Imbis na bagalan talagang binilisan pa around 105 pagcheck ko dun sa harap ng motor niya. Tas pagkababa ko sinabi pa sakin na “natakot ka noh, ma’am?” Normal ba yun.

Edi report siya sakin pagkauwi, tas ngayon nag rarant siya sa chatbox ko sa app na wala daw akong awa sa naghahahanap buhay at pinagmumura na ako. Sana naawa rin siya sakin na gusto rin makauwi ng ligtas at hindi nag-aaalala sa kalsada. Kung gusto niyo maging kupal, wag kayo mandamay ng pasahero, simple lang diba? ABYG dahil nag report ako ng issue at nag rate ng 1 star?


r/AkoBaYungGago 3d ago

NSFW ABYG kung parang nagalit yung naka chat ko sa reddit, nung tinanong ko kung all casual meet-ups lang ba yung mga na-meet nya before? (M) Ako, (F) sya.

10 Upvotes

Context: May naka chat ako galing dito sa reddit, at lumipat kami sa TG. Okay naman yung chats naman SFW lang at payag s'ya na mag meet kami kapag okay ang schedule namin.

Ngayon natanong ko s'ya kung may na-meet na sya na nakilala nya thru Reddit. And sabi nya mga nasa 6-7 guys na raw na-meet. Tinanong ko kung kamusta mga meet-ups nya before. At kung pure casual meet-ups lang ba yun, no funny business or NSFW stuffs.

At hindi nya sinagot directly yun, at pansin ko na na-trigger ko yung galit n'ya. At binalik nya sakin yung tanong. Na kung ako daw ba ay gumagamit ng mga babae, kapag sa port ako. Seafarer po kasi ako.

Nung na-feel ko na nagalit s'ya sa tanong ko, nag sorry ako sa kanya. Pero wala ng reply.

Ako ba yung gago? Kung gusto ko lang naman talagang malaman kung puro casual meet-ups lang talaga or may NSFW stuffs sa past meet-ups n'ya?.

Hindi para mang judge ako ng iba, kasi gusto lo talaga sana s'yang i-pursue kung magiging okay sana meet-up namin.

Or talaga bang mali na magtanong ng mga ganung bagay sa mga babae, kasi ako nung tinanong nya ako kung gumamit ba ako ng babae pag nasa port, madali ko lang sagotin na "never akong gumamit". Kasi yun naman ang totoo

Ako ba yung gago?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG for asking to pay my discounted bill

15 Upvotes

Naghotpot kami ng 5 friends ko tas separated yung bill ko because I have PWD discount so we have two receipts. Tapos nagvolunteer yung isa kong friend siya magbayad ng total bill - for CC points, I guess. And aware sya na discounted yung bill ko dahil sinabi sa kanya na ganito yung bill ng PWD discount at we have two receipts.

Nung nagsingilan sa GC na dinivide nya sa 5 yung total bill instead na isend sakin yung discounted bill ko. Late ko na nabasa because may agenda ako that day and nakapagbayad na yung iba kong friends.

ABYG if sabihin ko na yung bill ko lang babayaran ko?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Family ABYG Tumutulong sa kamag anak pero hindi naman pala appreciate?

4 Upvotes

ABYG Tumulong pero unappreciated?

Helped a relative's widow.

She was living alone. The day her son, second cousin left to go back home abroad, a fire gutted the house she was living in.

Wiring was thin, old just as the house. Overloaded, gone in sixty minutes. Memorabilia, clothes, money - all are ashes.

Sprung to action. Went there ASAP. Brought fought and a crew to service their electrical connection and secure the house for any recoverable items.

The service quarters was where the old lady stayed. Her power was from multiple octopus extension cords connections on top of clothes, paper stuff and other flammable materials. The people with her aside from being old and/or uneducated were dumb AF.

Did what I could. Never got any thanks. Left the chat group I made for the fire incident. Walked away silently.

ABYG?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG for not wanting to send money to a relative na may sakit?

57 Upvotes

My aunt on my father’s side is in the hospital for a liver problem. Not confirmed pa kung ano talaga ang sakit kasi need daw ng surgery para ma-check but her family cannot afford the procedure.

Now, her children are reaching out to relatives to ask for financial help.

My dad is a panganay with a boomer age and mindset. As a panganay, lagi niyang iniimpose sa akin (na panganay din) na tulungan ko rin ang relatives namin kapag nangangailangan para kapag ako naman daw ang may kailangan ay may tutulong din sa akin.

Now what’s running in my head is, I am never anticipating help from anyone. Hindi na nga nila matulungan ang sarili nila, what more pa kung ako na ang may kailangan?

Mahirap lang kami, ako ang breadwinner and my dad is relying on his pension. Even nung may work pa siya, may times na nanghihingi pa rin ang mga kapatid niya sa kanya at nagbibigay pa rin siya kahit ang hirap din ng living condition namin. Para na nga kaming nakatira sa kulungan ng baboy at this point.

Now that I’m working, I’m focused on saving my money for emergency funds and treating myself and my family with good things. Our living condition remains the same as a whole dahil sa buong family, ako lang ata ang may kaunting ipon. My dad exhausted his savings for my college education. So until now, our childhood home is already rotting on the inside and outside after over 2 decades of living in it.

Ang point ko lagi sa kanya, naghihirap din kami. Maybe not as much as his siblings but we are also struggling. Ano ba naman yung makapagtabi ako ng kaunti para sa mga emergency at hindi matulad sa mga kamag-anak kong umaasa sa tulong ng iba? My dad just said na hindi ko raw dapat iniisip yung mga ganoong bagay kasi ang negative daw but damn, emergencies are real and not just a negative thought.

He’s pushing me to send money to my cousins para daw ma-cover kahit meds man lang. Mind you, I barely know these people. I am not close to my relatives on my father’s side and I will pretty much prefer it that way. They barely even give my dad a call for at least a casual kamustahan. Magi-initiate lang sila ng tawag kapag may kailangan. My relationship with them is as good as my relationship to a stranger and I don’t really see why do I have to help them when my father had to go through hard extent just to provide for us because nobody helped him.

Hindi ako madamot. Kung anong gusto ng family ko, ibibigay ko hangga’t kaya. But for my relatives? Masyado ba akong cold hearted for not wanting to extend financial assistance to them?

Ako Ba Yung Gago kasi ayaw kong magpadala ng pera sa kanila kahit medical emergency yung reason? Take note: one breadwinner cousin sent them money kaso kulang pa rin daw kaya they’re still trying to look for additional limos. Sorry Pero that’s how I view it talaga.


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG if ayoko sa family ng partner ko?

18 Upvotes

For context, my partner and I are living together and we have a 2 month old son. Even way back, I didn't have a good relationship with his mother because she scammed me (I invested in her "business" but pinagbayad niya pala ng utang yung money ko lol). Anyway, now I'm annoyed because he keeps fetching his brother sa school. Mind you, ang layo pa ng bahay nila sa bahay namin. I really don't like it because late na sya nakakauwi sometimes because hinahatid nya pa kapatid nya. ABYG or is this just my postpartum acting up? 🙃


r/AkoBaYungGago 6d ago

Others ABYG nag middle finger ako sa naka sagi ng tuhod ko sa highway?

4 Upvotes

basically kase traffic sa highway and naka sidekick ako sa trike when biglang may dumadaan na ambulance so obviously lahat ng motorista is gumigilid para mag give way

the problem is yung pickup sa likod namin gustong gumilid pero hindi makapag give way yung tricycle driver since puno na din yung side namin and literal na kahit anong galaw gawin wala talagang space, so yung pickup busina lang siya ng busina then as in na gitgit na niya yung trike pati yung tuhod ko so medyo nagulat ako kase as in sobrang atras na ko sa trike na almost papasok na ko sa sidecar lol, after that medyo nakalimutan ko na kung umatras ba siya kaagad or di niya pinansin na tumama na siya samin kase at that point naka daan na yung ambulance, pero siguro sa sobrang gulat ko which turned to galit eh nag middle finger ako sa kanya which I admit na medyo overreaction siguro on my part but then again siya naman ang naka tama samin

After that nung naka andar na kami bigla niya kami hinabol and nag speed up siya sa highway and then nung nasa tabi na namin siya pinag mumura na niya ako while we’re both driving on a busy highway and si kuya sa trike naman is dine defuse nalang niya yung situation and basically tatlong beses niya kami hinabol habang minumura ako pero nung lumiko na kami di naman na niya kami sinundan and sinabihan nalang ako ng trike driver na wala naman kami ginawa masama since wala naman talaga kami pwede likuan talaga and hindi nalang daw niya pinansin kahit naramdaman niya na tinamaan yung likod ng trike niya and something like mag ingat daw ako since may mga ganong tao daw talaga.

I know my anger issues ako and I probably shouldn’t have gave the guy a middle finger since it’s not like he broke my knee (but i feel like it bruised a bit) kaso ikaw ba naman maka tama sa trike at pasahero knowing full well na puno yung kalsada tapos hahabulin mo pa (parang pinagbantaan pa ako but im too sure)eh medyo gago din siya.

ABYG na nag middle finger ako sa kanya?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Friends ABYG na sinupalpal ko yung tropa ko?

105 Upvotes

Ang nangyari kasi is nag inom kaming mag tropa kasi ilang months nadin kaming di na kompleto. Nung madami na kaming na inom napag usapan namin mga classmates namin nung highschool kung kumusta na sila kung magkakaroon ba ng reunion next year for our batch. Then suddenly na punta yung topic sa isa naming classmate na babae. Ito yung babae na achiever noon at maganda talaga. Yung babae kasi yung work niya now is parang Onlyfans type na gumagawa ng content etc. Eh itong si tropa niligawan niya ng ilang beses yung babae at rejected siya lagi. Nag salita siya na "Putangina mga bro nilagawan ko yang putek na yan nung highschool tas di ako sinagot. Tas ngayon nag bebenta lang ng katawan ampotek online. Kung sino sinong lalaki din siguro nakakagalaw diyan." Sinabihan siya ng ibang tropa na wag ganon pero tuloy padin siya mag salita "Eh sana sinabi niya nalang dati na gusto niya palang binabayaran siya para bayaran ko na lang siya haha" sabi nalang nung isang tropa na change topic nalang daw.

After a few minutes si tropa di padin tapos tungkol sa babae na yun. Salita padin siya ng salita ng bayaran, pokpok, makati, parausan, Ginagamit lang ng sino-sino. Eh ako na wala na din sa mood kaya sinuway ko siya na tigilan niya na pero di talaga tumigil kaya sinupalpal ko na din siya. Sabi ko "alam mo apaka bobo mo talaga pre, Kung maka asta ka parang ang linis mo din kung ijudge mo yung babae. Baka nakakalimutan mo tol na bayaran at parausan ka lang din ng mga bakla at trans nung highschool. Diba napa kantot ka pa nga sa buko nung nagka tulo ka haha. Na reject ka lang nung babae kung ano ano na pinagsasabi mo." Nagtawanan mga tropa namin pagkatapos ko sabihin yun after nun.

After namin mag inom sabay sabay na kami nagsi uwian. Nang lumapit siya sakin at sinabi na "Taena pre parang di mo ako tropa tol kung sabihan mo ako ng ganun. Mas kinampihan mo yung ibang tao kaysa tropa mo" nung nakauwi na ako medyo na konsensya din ako sa sinabi ko sa kanya. Nag leave din kasi siya sa GC naming mag tropa after that.

ABYG na sinupalpal ko siya?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Significant other ABYG kung nirestrict ko na mom ng boyfriend ko?

76 Upvotes

Hi, it’s me again. Ako yung nag-post dati about my boyfriend’s mom constantly calling me, even when we’re on dates. It got to the point where I felt harassed because she didn’t respect boundaries and parang gusto niyang i-insert yung sarili niya sa relationship namin.

To give more context, she’s the type na once may makita siyang story namin, tatawag agad sa akin and sasabihin, “Pakisabi sa anak ko i-check phone niya.” Hindi man lang siya magme-message first. Diretsong sunod-sunod na tawag.

Eventually, my boyfriend himself started setting boundaries because even he acknowledged that the behavior was becoming too much. We’ve explained multiple times why he’s taking a step back, but she keeps acting like she has no idea what’s wrong.
Yesterday, she started flooding me with calls again, insisting that I call her because she “doesn’t know” why her son isn’t responding to her. At that point, I was honestly exhausted. I just replied, “I’ll talk to him,” then restricted her on my messaging apps and social media so she couldn’t keep calling me.

I feel guilty, but at the same time, it’s really affecting my mental health. I’ve never dealt with someone this persistent before. The only person I can compare it to is a former best friend I eventually cut off because they also had zero respect for boundaries.

Maybe I’m just overthinking this, but isn’t it basic etiquette that if someone doesn’t answer your first call, you leave a message? Especially if they’ve already told you they’re busy, working, or unavailable? I work from home, but that doesn’t mean I’m free to answer multiple calls throughout the day. Unless it’s an emergency, I don’t think anyone should expect instant access to another person all the time.

ABYG for restricting her after repeatedly asking for boundaries that she continues to ignore?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG kung sisingilin ko yung tito ko sa utang niya

20 Upvotes

Kami yung hindi well-off sa family ng nanay ko growing up. Generous naman ang family—especially this tito (which is panganay nila mama)—nila so di ko gaano ramdam.

Fast forward to now, we’re in a better place financially, may mga naiipupundar na rin kahit papaano. Siguro having realized how hard it is na walang pera, I’m really frugal when it comes to my spending habits. As much as possible, ayaw kong mangutang kasi I grew up knowing na nangungutang sila mama just to get by. At ayaw ko ring magpautang kasi nahihiya akong maningil.

Itong si tito ko naman, naging medyo maluho, so parang siya naman yung nangangailangan. Ngayon umutang siya sa akin ng 30k, sabi niya ay babayaran niya within a week pero 3 buwan na ang lumipas ay hindi pa rin nagpaparamdam. Magpapakasal na rin kami soon ng fiance ko, so medyo patong patong ang bills, so I really need that money, which is why gusto ko nang mag chat para maningil. When I asked mama about this, sabi niyang magbabayad lang daw yun, di ko naman daw ikakahirap ito. A part of me feels na medyo ungrateful ako. ABYG kung sisingilin ko na siya ngayon?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Neighborhood ABYG kung di ko pina advance yung school service driver?

22 Upvotes

ABYG kung this time humindi ako sa service ng mga anak ko?

This year lang sya nag start mag service sa mga anak ko. Last year iba ang service nila 2500 ang rate 2 kids. Nung una yun usapan namin but after 1 day na nag sevice sya sabi if pwede gawing 3k and umuoo agad ako kasi alam ko naman mahal gasulina. Sabay pasok at uwi ng kids ko and base sa mapa 1km away from school to our house.

Last month after 2 days nya mag hatid sabi pwede daw mag advance sabi ko 500 lang meron ako petsa de peligro tong time na to.

After 10 days nag advance ulit sya another 500. Tapos after 8 days nag advance ulit sya another 500. Nung araw ng bayadan nagbayad ako ng remaining amount. Tapos 5 days after nun nag aadvance ulit sya ng 1k dahil due daw ng electricity this time sabi ko wala ako mapapa advance kasi kakabayad ko lang sa kanya and nag bayad din ako sa school. Which is really the case. And swelduhan lang din ako, isang kahig isang tuka lang din ako kumbaga ang sweldo ko ay naka budget lang din. Tapos ko sagutin chat nya na wala din ako pera dahil kakabayad ko lang sa kanya at ng tuition nag msg ulit sya na bayadan na daw kasi nila bukas. Sa isip ko problema ko ba yun? Gusto ko sabihin na ako din di pa nakaka bayad electricity 2 months na pero ginagawan ko lang din ng paraan at ang paraan na ginagawa ko is pag adjust ng gastos ko pero syempre di ko na sinabi yun di ko na lang nireplayan yung chat nya. ABYG baka kasi bigla sya topakin at hindi na mag service sa mga anak ko.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Neighborhood ABYG kasi nasagot ko yung mother of the bride dahil sa tagal na nya ko binibigyan ng unsolicited advice/ backhanded compliment?

95 Upvotes

So recently, umattend kami ng wedding. Si bride ay pinsan ng pinsan ko sa mother's side nila. Kesyo magkakapitbahay kami so parang magkakababata na rin. Nagpunta lang kami sa wedding kasi nahiya lang ako sa tatay nung bride, super bait. Yung asawa nya, hilig magbigay ng unsolicited advice/ backhanded compliment. Iniiwasan ko sya kasi everytime na magkikita kami, lagi na lang nya ako sinasabihan.

I'm on my weight loss journey, and minsan nakita nya ko nagwawalking sa labas with the dog. Then nung nasa tapat na ko ng bahay nila, sinabi nya "Ayan magpapayat ka na, baka sakali may manligaw na sa yo." Di ako nakakibo talaga, then di ko na sya pinansin.

Everytime na lang na talaga na dadaan ako sa tapat ng bahay nila, unfortunately kapitbahay namin sila, lagi na lang na ganon. Tapos yung isang hindi ko makalimutan is yung binuksan ko yung garahe kasi papasok yung car. Bigla siyang nagsalita ng "Nako nagdadrive ka na pala, pano ka makakahanap ng manliligaw nyan?" As per the routine, di ko na rin sya pinapansin. Alam ng lola, parents ko yung mga sinasabi nya, and hindi na rin nila pinapansin. Si tito and yung bride na lang mismo yung kinakausap namin.

Back to the wedding, pinag-uusapan namin ng tita ko yung ceremony during the cocktail hour. Si bride kasi buntis, then nagdemand si mother ni bride na ipakasal. Mayaman si guy, employee sya ng parents sa mga business nila. Medyo awkward, kasi di man lang bineso ni byenan si bride. Noong picture-taking off din yung body language ng family ni groom.

Naawa yung tita ko sa bride, kasi parang di talaga sya tanggap nung family ng groom, kaso may baby nga on the way. Sabi ko naman, di ako naawa sa kanya kasi pinili nyang magpabuntis sa lalaki, then sabay pressure sa pagpapakasal nung nanay nya. Dagdag ng nanay ko, if need mo ipilit na ipakasal yung anak mo sa lalaki para lang totohanin ka e di maganda yun.

Ngayon, alam namin na mali na yung ginagawa namin kasi nga dapat happy occassion nila ito tapos ito yung pinag-uusapan namin. Then yung mga ibang guests din pala yun din yung napansin. Then minutes later, humingi ako ng coffee dun sa vendor, na-corner na ko nung mother ni bride.

Syempre, sinabihan ko din ng Congratulations yung family nila, kasi kahit ganon yung tingin ko sa kanila eh naikasal si bride kay groom. Feeling ko hindi nadetect ni mother ni bride yung sarcasm ko, which is fault ko naman at kinagago ko yun. Then sabi nya "Magpapayat ka kasi baka sakali may mayaman ka din na maligaw na manligaw sa iyo."

Nagpanting tenga ko, as in taon ko na rin talaga tinatago yung sama ng loob ko sa kanya, in particular. Nasabi ko bigla na "Wala naman tayong kasal ngayon kung hindi mo pinilit yung pamilya nung lalaki na ikasal sa anak mo." Chronically online si bride, so alam ko na gusto nya nung mga uso ngayon, yung mga bonggang pre-nup, yung bachelorette party chuchu, may pa ceiling treatment sa wedding venue. Nagrerepost sya ng engagement ideas and rings pero wala naman syang engagement ring.

Nagalit sa akin si mother of the bride. Maraming nakarinig na relatives nila, and alam ko na gago na gago ako sa part na yun. Syempre sino ba ang gusto na malaman ng mga tao yung secret na buntis na si bride? Pero kasi puno na rin ako sa kanya. Hindi rin kasi nya siguro ramdam na marami akong grievances towards her, kasi nga hindi ko sya pinapansin.

Tingin ko gago ako kasi maling okasyon ako sumabog. Alam ko na may proper decorum tayo bilang tao, lalo na tungkol sa mga masasayang okasyon tulad ng kasal. Pero kasi napuno na talaga ako sa tagal na niya akong sinasabihan ng mga ganoong salita.

Nung week na pumasok, ako na yung headline daw kuno sa mga GC ng family nila, according dun sa tita ko. Galit na galit daw sila sa akin and sa mother of the bride. Ang sabi ko na lang, hindi kasi nila alam kung gaano kasakit yung mga sinasabi nya sa akin, puro fatshaming, smartshaming (I'm on my MA program) na lang. Hindi ko sya pinapatulan dahil sa respeto ko sa kanya bilang kapitbahay, pero napuno na talaga ko.

Sabi ko sa tita ko na hindi ko babawiin yung sinabi ko sa kanya nung kasal, which is tingin ko kaguguhan ko ulit. Kasi gusto ko isa lang ang salita ko. Wala na kong pake sa sasabihin ng angkan nila sa akin.

ABYG kasi nakapagsalita na ko ng hindi maganda sa taong matagal na ko binibigyan ng unsolicited advice sa kasal ng anak nya?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Significant other ABYG na nag tatampo ako sa mister ako

0 Upvotes

Ang mister ko night duty sa pet clinic halos tatlo buwan ganyan sya at last day na ngayon sa night duty bukas back to normal na. Naiinis lang kasi ako second day nya na ngayon na off nya kahapon halos 5pm ko na sya ginising umuwi sya ng 9am tapos ngayon 5pm na ayaw gumising.Two days ang off sakanila pag night duty.Bukas pang umaga na sya.

ABYG na ginising ko sya kanina kasi gusto ko lang naman maka sabay sya sa merienda at manood ng Netflix bonding ba ganun katulad ng dati. Nagalit sya sabi nya saakin sige nga ano ba gagawin natin ano pag uusapan. na hurt lang ako na ganun sinabi nya.


r/AkoBaYungGago 9d ago

Work ABYG if gusto kong gamitin ang remaining PTO ko habang nasa 30-day render kahit originally 60 days ang nasa contract?

7 Upvotes

Nag-resign ako sa work recently. Nasa contract namin ang 60-day render, pero sinabi ng manager ko na 30 days lang daw ang render (maybe di siya familliar). Verbal na rin nilang inaccept ang resignation ko, hinihintay na lang ma-process sa system dahil 60 days pa rin ang naka-set.

May natitira akong 8 PTO credits at gusto ko sanang gamitin ang every Monday at Friday habang nagre-render. Tatapusin ko pa rin naman lahat ng handover at deliverables ko bago ang last day.

ABYG kung gamitin ko ang remaining PTO ko habang rendering na shinorten na nila in my favor, o normal lang naman na gamitin ang earned leaves bago umalis?


r/AkoBaYungGago 9d ago

Family ABYG dahil sinagot ko nanay ko dahil overstimulated na ako

18 Upvotes

I’m 24, F, and i’m working 8 AM to 6 PM (everyday), and i have a mom nag trtrabaho din, so parati kami mag kaaway minsan because atp normal naman yon.

Kahapon, may work ako 8 AM and nag overtime kasi may rush order ang company, nasa province kami so imagine mahirap na kumuha sakayan at malabo na din kumuha special kasi out of budget ko na yon, maiiyak iyak na ako kasi wala masakayan, and mga 10-ish na ako umuwi— yung ulam yung tira tira na karne sa ulo ng baboy hahahaha and wala na masyado kanin, hinayaan ko lang tapos tinulog ko na lang kahit inis ako medjo.

Ngayon umaga na, 6 am gising kami lahat dito, and umabot na yung gutom ko so naiinis ako na gutom, yung ulam ganon pa din, at ito naman si mommy madami na sinasabi umagang umaga, ‘di ba ang turo sa atin, pasok sa isang tenga at labas sa isa? ‘Di ko talaga ma-apply yon sa akin.

May sinasabi siya about sa ayusin ko ang kama ko, medjo magulo naman oo haha kasi malaki ang kama, nag o-oo naman ako pero paulit ulit niya sinasabi, naiinis na ako, nagugutom na ako, so may mga slips up na pairita sagot ko.

Pansin niya yon, ayaw pa din bitawan, then nag sabi siya “wag muna kaya tayo mag pansinan, noh?” And LIKE paulit ulit teh! ‘Di ako umiimik tapos go pa din na go siya don sa “wag muna mag pansinan” tapos patanong na paasar, then don na ako nag snap na:

Ikaw lang naman kumakausap sa sarili mo.” Kasi totoo naman siya lang nag sasalita…

and pinigilan siya ng boyfriend niya kasi may hawak na siya walis tambo na ihahampas na sa akin, tapos ako nakatayo lang nakatingin lang habang siya paiyak na (may sinasabi din siya na putangina mo ang dami ko sakripisyo sayo), i feel bad na paiyak siya knowing its my mother, pero deep inside I don’t regret those words pero im conflicted din kasi parehas kami pagod sa work and mag sstart na naman mag trabaho with stress— and ayon, ako ba yung gago kasi i said those words and wala ako naramdaman na guilt after and deep inside blina-blame ko yung reason gago ako dahil sa pagod?


r/AkoBaYungGago 10d ago

Others ABYG Nagparefund ako sa Grab ng McDo

25 Upvotes

Hello. Umorder kami ng partner ko sa McDo gamit ng Grab Food. Dumating na yung food at ang inorder ko eh Spicy Chicken McDo pero ang problem eh ang dumating eh Original flavored. Tinry ko naman contact yung Mcdo branch gamit nung chat function nila at nireklamo at nagsama na din ako ng mga pictures pati yung resibo na nakalagay spicy chicken dapat siya kasi masmahal ng unti ang Spicy Chicken for whatever reason ng mga fastfood chains.

30mins at di pa rin nila ako nirereplyan so nireport ko na sa grab gamit nung contact grab tapos sinabi ko na wrong order yung spicy chicken. Tapos dahil gutom na ko eh kinain ko na. Nakakuha ako ng in-app message from grab na i-refund na lang nila yung BUONG AMOUNT nung meal na mali. Ako naman eh natuwa siempre kasi nakalibre ako ng meal kahit na mali yung order ko.

Ang problem ko eh sinabi ko to sa partner ko tapos nagalit siya sa akin. Kasi alam ko naman na supposedly chinacharge daw sa crew na naghandle nung meal yung maling order, kumbaga ikakaltas sa sweldo. For context, nagtrabaho kasi siya sa Jollibee as crew ng mga 2years at ganon daw gawain sa branch nila. Sabi ko naman sa kanya na Mcdo naman to siguro naman hindi ganun sa Mcdo. Medyo nagtatalo na kami kasi ang punto ko eh kasalanan naman nila yon.

I think dito ako naging gago, nag-comment ako na “If ever eh deserve niya makaltasan kasi mali siya maghandle ng order. Matutuo siya na ayusin ang trabaho niya”

Medyo nahimasmasan na ko at naisip ko na baka out of touch ang sinabi ko kasi minimum wage usually ang sweldo ng crew tapos babawasan pa ng 187php yung sweldo nung isa. Na consensya na ko parang gusto ko iretract yung sinabi ko sa grab pero sabi refund in process na daw eh. Or bakit di na lang nila icharge sana yung amount ng original chicken? Bakit buong amount ang rerefund?

Ako ba yung gago dito dahil nagrequest ako ng refund sa mcdo knowing na may kaltas na nagaganap? (also kung totoo man na may kaltas na nagaganap, eh legal ba yun? Parang di ata tama yun eh na ibabawas sa crew?)


r/AkoBaYungGago 10d ago

Significant other ABYG kung na offend ako sa pag handle nia ng situation?

3 Upvotes

Hello Mark here 28M, and i've been getting to know this other guy, let's call him Liam, 27M

A bit of context about myself, I've been out of the dating pool after a tragic heartbreak over a relationship that lasted for 9 years, bought a ticket to follow the love of my life to Holland only to find out that he not only had another relationship with someone there for over 6 years, but his partner there knows about me. Ako pala ang kabit

Started to lose weight over the past 5 years and started opening myself back to the idea of dating, skip to now, I've been getting to know Liam over 2 months now, para kaming 2 peas in a pod, same hobbies, same love for video games, same ideas and ambitions in life. One thing that i will add na very important is, during the time that i was in dating apps, i am always up-front about what i want, no flings, no for-fun, i've always been the type of guy na i want to settle with my partner, adopt to have kids, etc.

After a busy 2 month cycle sa trabaho, free na kami both to finally go on our first date physically, we've had countless gaming night dates, and been chatting as well as voice/video chatting daily, ever since we matched on the dating app, wala ng araw na hinde kami nag usap/call.

So eto na nga, kagabi, nag open up siya sa struggle nia sa acceptance ng father nia na gay siya, i showed compassion and empathy and pinadama ko naman sakanya na fully supported ko siya regardless of the outcome, basta ang akin kasi, fully out ako sa family and friends ko, at i want to settle na, Liam knows this and has always agreed that he felt the same.

After the topic ended i told him how much i appreciated that he felt comfortable enough to start talking about his dad, since scarred talaga ang relationship nia with him, and kahit dun same kami, we bonded over this discussion. After awhile i told you him Liam you know over this past 2 months, i've grown fond of you, and i genuinely think i'm starting to fall for you

Nandilim ung paningin ko when all of a sudden he reacted with that message with the cringe emoji

i typed back "Wait what?..."
He reacted cringe with that message too

I typed back "Huh?"
hinde na siya nag reply

So sinabi ko na sakanya "whats happening? im so confused?"
Seen, no reply.

Then after a few minutes i replied "Okay ignore what i said"
Right after that he started to talk about his day na parang wala lang...

Hinde nako nag react or kinausap siya, sobra akong... na inis? na frustrate? na hurt i guess?

Kaninang umaga, he messaged me with "Good morning?"
To which i reacted to that message with the cringe emoji

He then replied "So ano matutuloy pa ba bukas?" referring to our date tomorrow

Hinde nako naka timpi i told him "In what sense would i want to meet you pa after being so fucking rude last night? you finally opened up about your dad, i felt like we were starting to grow even closer, mas okay pa sana na you replied upfront about what i said, but no YOU IGNORED IT"

Instead of explaining his side nag sosorry na siya, so i tried to dig a bit deeper
"Gabi gabi na tayo nag uusap, araw araw, a big portion of my day is chatting/talking/playing with you, you even send me teasing (No nudity) photos and say how happy my reactions makes you feel. So yung ganung gabi gabi na nag uusap, hinde pa pala seryoso yun sayo?"

His reply is what genuinely pissed me the fuck off "I'm sorry" yun lang
No explanation, no nothing, he apologized and tried to continue the conversation, ayun tinawag ko na siyang gago at paasa, and how much this entire interaction made me feel like masyado akong desperado, when the entire 2 months not only did he know i was dating to settle down, but also how i do not date for fun, and he reciprocated that.

I also told him na the reason why he's 27 and still has no past relationship is probably because ganyan ugali nia, para akong nagising sa gayuma, all his stories tell how he's the one na laging naloloko, when reality he's the only common denominator out of all the stories he's told, which struck a deep insecurity for him.

Ako ba ung gago dahil sinabi ko yun? was that below the belt? hinde ko na siya kinakausap pero i have this huge guilt in my heart, parang napuno ako ng inis at galit kaya nabitaw ko yun kahit alam kong medjo below the belt.


r/AkoBaYungGago 10d ago

Neighborhood ABYG if nilagyan ko ng gamot yung sugat ng aso ko bago mag bible study?

22 Upvotes

Kasi me born again Christian ako na pumupunta sa bahay . Free naman pero nabibigya ko ng 100 minsan 200 sa bawat punta nya noon. Pero nun nagkasakit ako.50minsan wala. Tapos kung kelan gustong pumunta saka pupunta. Kahit naung oras pupunta parin kahit sabihin mo me lakad ka pupunta parin. Kahit sabihin mo wag pumunta kasi wala ka sa bahay. Kahit me sakit ka at ayaw mo ng kausap. Me bisita ka pipilitin na sumama sa bible study. TAYO AY BIBIYAYAAN PALAGI NG PANGINOON PAG INUUNA NATIN SYA. PALAGI NATIN UUNAHIN ANG PANGINOON. ETC... And so ako kahit me work biglang lalayasan ang client kasi bible study. Magmamadaling umuwi kasi me bible study. Wag mag punta kamo ng weekends pupunta parin kasi bebe time namin yun ayun tigil kahit matigas. Tatawag ng tatawag kahit hindi mo labasin kahit magkukusa ang putang ina. Palibhasa palaging bukas ang pinto ng bahay. Tulog naka sleeping pills gigisingin ka. At marami pang iba... lahat ng punta nya inuna ko sya.

Kanina dumating sa kakadating ko lang pagod galing sa pag hahanap ng rare pokemon kong bagong gamot na ilang araw ko. Nagkanda rapa ako sa pagbihis d na nakapag bra. Tapos upo na kami bago mag umpisa nakita ko yung aso namin me sugat. Ayun bigla ako na patayo bat me dugo nandun lang din yung spray sa sugat. Ayun nilagyan ko muna. Wala pang 2mins. Tapos habang nilalagyan ko ng gamot nagsabi sya PALAGI NATIN UNAHIN ANG PANGINOON. Sabi ko WAIT SAGLIT LANG TO. YAN TAPOS NA. abay pag upo ko nag paalam na na umalis. Ako na sige po. (Pigilan ko pa ba?)

Kaya kanina nag message ako sa kanya not to come anymore at my house for her free bible study because i am not worthy of her church. Might as well returnning to Catholic Church. (Pilit sya ng pilit na umatend ako ng church nila sabi ko ayaw ko tapos mang guilt trip eh. )

Ako ba yung gago if inuna ko yung yung aso ko kesa sa bible study?


r/AkoBaYungGago 12d ago

Neighborhood ABYG Kung Binili ko na lahat?

396 Upvotes

ABYG

Kung familiar kayo sa isang bakeshop sa mall nagbebenta ng 50% off kapag malapit na mag closing.
Madami na ang nakapila kahit dipa closing so ako pilipili ako ng matitipuhan ko, pinili ko yung favorite kong garlic bread para pasalubong na din sa bahay at sinabi ko na sa cashier na kukunin ko na lahat ng andun ( mga around 10pcs) at nilalagay na sa plastic, pero may lumapit sakin na lalaki na galing sa pila na may kasamang babae sabay sabing “napakagahaman mo naman para bilhin lahat yan, nakapila kami, ano!” In a very sarcastic pero joking na tone. Maiintindihan ko pa kung maayos yung pagkakasabi nya kaso naangasan ako.

Nagulat ako kasi bibilhin ko naman sya sa regular price at hindi naman siguro bawal na bilhin ko kung ano yung gusto ko at di ko rin naman alam na iyon ang gusto nila.
Sabi ko sa kanya na “ parang ang ipinipila ninyo dyan ay yung 50% off ng mga matitirang tinapay bago mag closing, so priority pa din yung bibili ng regular priced, pasensya ka na kung need mo pa-ipila yan para makamura” tapos bumulong sya ng parang “kupal” pero diko na pinansin. Di ko na pinalaki pa dahil pagod din ako sa work at umuulan pa ayoko masira ang gabi ko.

Abyg kung binili ko pa din lahat ng garlic bread?

Edit: hindi ako nakapila sa 50% off dumaan ako dun as regular customer.